Flashlood na kumitil sa maraming buhay kauna-unahan sa Iligan City

SINABI ni Iligan City Mayor Lawrence Cruz na kauna-unahan sa kasaysayan ng kanilang lugar ang naganap na flashflood na kumitil na sa 79 katao at naging dahilan ng pagkawala ng marami pa.

Sinabi ni Cruz na umapaw ang mga ilog kaya hanggang lagpas bahay o gusali ang baha.

Inilarawan din ng mayor ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang lugar at ikinuwento na nag-iiyakan ang mga residente na nawalan ng mga mahal sa buhay.

“Nakakalungkot, nakakaiyak ang pangyayari sa amin,” aniya ni Mayor Cruz.  “Kaawa-awa talaga ang mga biktima, nag-iyakan ang mga pamilya, dito ako mismo sa site ngayon.”

Malungkot na sinabi ng opisyal na hindi nila inaasahan ang pangyayari dahil nasa signal number 1 lamang ang kanilang lugar, subalit aniya, tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan mula pa kagabi (Disyembre 16) hanggang kaninang madaling araw.

Anang mayor, may dalawang ilog ang kumokonekta galing bundok at sa mga bahagi ng Lake Lanao at dumadaloy din ang tubig mula sa Bukidnon.

Medyo napawi naman anang alkalde ang kanyang kalungkutan nang tawagan siya kaninang umaga ni Pangulong Benigno Aquino III upang tiyakin ang ipapadalang mga tulong.

Tinawagan rin umano siya ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman at Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Samantala, unti-unti na ring humuhupa ang tubig-baha ngunit 30 porsyento sa mga lugar ang wala pa ring suplay ng kuryente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply