Foreign aid sa ‘Sendong’ victims mabagal

DAHIL nakabakasyon ang mga nakakasang magbigay ng tulong, naging mabagal ang pagresponde sa apela ng United Nation na $28.6 milyon o P1.243 bilyong ayuda sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Sinabi ng UN Office para sa Coordination of Humanitarian Assistance (UNOCHA), na ang pagdating ng mga donasyon ay naaantala dahil ang bagyo at ang kanilang apela ay naikasa bago mag-Pasko at ang mga mga tanggapan ng mga donor agency ay nakabakasyon.

“Even though this is one of the country’s worst natural disasters in two decades, it happened a few days before Christmas when many donors are on holidays and offices are closed,” ayon sa UNOCHA, sa pamamagitan ni Dr. Soe Nyunt-U, ang acting UN humanitarian coordinator para sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, may P195.7 milyon o $4.5 milyon pa lamang ang pumapasok, na ang $3 milyon ay mula sa Central Emergency Response Fund (CERF) at ang $1.5 milyon naman ay mula sa Japan, pahayag ni Kirsten Mildren, UNOCHA Public Information at Advocacy Officer.

Napansin naman ni Dr. Soe Nyunt-U na ang ibigay na pledge ng CERF ay naging instrumento sa pagsisiumula ng urgent UN interventions.

Ang bansang Japan pa lamang sa ngayon ang nakapagbibigay ng tulong at sinabi ni Mildren na inaasahan nila na makakuha ng tulong mula sa Australia at Spain.

“[The fund] is for three months, and will cover the needs of 471,000 people. It will cover the critical things like water and sanitation, health, food, nutritional support and shelter,” pahayag pa ni Mildren.

Dagdag pa nito na sa ngayon ay bahay ang nakikita nilang pinaka-kailangan ng mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply