Foreign donations sa ‘Sendong’ victims i-audit

NAIS ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ma-account ng concerned government agencies ang milyun-milyong foreign donations para sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Ani DFA spokesman Raul Hernandez, ipinaliwanag nito na bahagi ng “standard operating procedures” ang accounting ng foreign grants at donations para matiyak na napakinabangan ng intended beneficiaries ang nasabing mga tulong.

“Ang gusto nating mangyari ay ma-account ang mga natatanggap na pondo at

siyempre, mapunta talaga sa mga dapat matulungan. We expect also sa mga nakatanggap (agencies) are able to account the money thay received,” ayon sa opisyal.

Una rito, ipinatitiyak ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi mapupunta sa bulsa

ng mga tiwaling opisyal ang mga bumubuhos na suporta sa mga biktima ng bagyong

Sendong.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nananawagan din sila sa local

government units (LGUs) na gastusin ng tama ang mga tinatanggap na tulong at gamitin sa pagbangon ng mga biktimang mamamayan.

Samantala, nagpaabot na rin ng kahandaan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para tumulong sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas.

Sa sulat ni ASEAN Secretary General Surin Pitsuwan kay Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, nagpaabot din ito ng pakikiramay sa mga biktima ng bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply