Foster mom ng mga sundalo utas sa landmine

ISANG sibilyan ang namatay, habang pitong sundalo ang sugatan matapos tambangan at pasabugan ng landmine ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Maharlika, Bislig City, Surigao del Sur.

Ayon sa report ng AFP Eastern Mindanao Command , naganap  ang insidente bandang 12:15 ng tanghali kanina habang umiiral ang unilateral ceasefire na ipinatupad ng pamahalaan laban sa mga rebelde.

Nakilala ang namatay na si Lelia Lalisan, 63, ng Brgy. Maputi, bayan ng Tagbina, Surigao del Sur, umaaktong foster mother ng mga sundalo.

Sugatan naman sina 2nd Lt. Michael Pascua, Pfc. Gregorio Pacaya; Pfc. Alberto Caballo, Pfc. Renan Retillo, Pfc. Mon Claire Wiff Fernandez, Pfc. Efraim Joy Maralili at isang Pvt. John Ray Rodulfo Del Rosario.

Napag-alaman na mula sa kanilang command post sa Sitio Maputi ang mga sundalo at patungo sana sa Brgy. Mangagoy, Bislig City nang tambangan ng 15 rebelde na miyembro ng Southeastern Command sa ilalim ng 14th North Eastern Mindanao Regional Command.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply