Fund raising ng DILG para sa nasalanta umabot sa P4M

INANUNSYO kanina ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na umabot na sa halagang P4 milyon ang nalikom nilang pera mula sa boluntaryong kontribusyon ng mga kawani at opisyal ng bawat LGUs at regional offices na nasa ilalim ng tanggapan ng DILG, para sa mga naging biktima ng bagyong Sendong sa Mindanao.

Ayon kay Robredo, panimula pa lamang ito pero umaasa pa rin siya na may darating pang tulong para sa mga biktima.

Sinabi ni Robredo na ang nasabing pondo ay galing sa boluntaryong kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng DILG central office at regional offices, gaya ng Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Public Safety College (PPSC) at Local Government Academy (LGA) at lahat ng ahensiya na nasa ilalim ng DILG.

Natanggap na rin ng DILG ang ipinangakong tulong mula sa National Police Commission (Napolcom) at kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na hindi kukulangin sa P1.5 milyon.

Kahit ang Police Non-Commissioned Officers Association, Inc, (PNOA), na pinamumunuan ni SPO4 Antonio Dawagan, ay nangako kay Robredo ng tulong pinansiyal para sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng pag-aambag ng halagang P100.

Hindi lamang ang PNP kundi maging ang bawat LGUs sa Zamboanga City, Sta Rosa City, Butuan at Naga City ay nagbigay din ng kani-kanilang tulong para sa mga naging biktima ng bagyo sa Cagayan de Oro City at Iligan City sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply