Fund raising para sa biktima ng bagyo inilunsad

SINIMULAN na ng Department of the Interior and Local Government ang paglulunsad ng malawakang fund drive para matulungan ang mga naging biktima ng bagyong Sendong sa Visayas at Mindanao.

Inatasan na ni Secretary Jesse M. Robredo ang lahat ng kanyang mga hepe sa ilalim ng tanggapan ng Department of Interior and Local Government sa paglulunsad ng boluntaryong fund-raising campaign sa kani-kanilang mga nasasakupan para makakalap ng relief at suportang pinansiyal sa mga naapektuhang mga lugar sa Mindanao.

Pinakiusapan na rin ni Robredo ang Chairman ng Union Local Authorities of the Philippines (ULAP) at mga kasaping lider ng liga na maglunsad ng kahalintulad na kampanya sa labas ng sinalantang mga lugar Northern Mindanao (Region 10) para sa maibibigay na suporta .

Dagdag pa ni Robredo , dahilan sa Magpapasko na at nakatanggap na ng 13th month pay at bonuses ay nangako naman sa kanya na boluntaryong magkokontribusyon ang mga empleyado ng  DILG  para matulungan ang mga sinalanta ng  bagyo partikular sa mga lungsod ng Iligan at Cagayan de Oro.

Kabilang sa pinakiusapan din ng kalihim hindi lamang mga hepe ng mga tanggapan ng DILG  kundi maging ang Philippine National Police,  Bureau of Fire Protection, the Bureau of Jail Management and Penology, at  National Police Commission, at ibang tanggapan na nasasakupan ng DILG na humingi ng tulong sa kanilang mga nasasakupan para may maibahagi sa mga sinalanta ng bagyo

Nanawagan din ang kalihim sa  League of City Mayors President, Mayor Enrico Echiverri ng Caloocan City at League of Municipal Mayors President Mayor Strike Revilla ng Bacoor na hikayatin din ang kanilang mga opisyal a empleyado para sa boluntaryong fund-raising campaign sa kanilang mga lugar para matulUngan ang mga biktima ng  bagyo sa Northern Mindanao.

Ang PNP na may kabuuang regular na 143,000 kapulisan ; habang ang  BFP na may 10,000 mga tauhan ; at ang DILG central at regional offices na may 5,000; at National Police Commission na may 2,000. ay napakalaki na ring bagay ang maitutulong pag pinagsama-sama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply