Gagastusin sa VMMC papasanin ng gobyerno

ALA-HOTEL room ang paglilipatan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Kasunod ng isinagawang ocular inspection kaninang umaga, tiniyak ni Interior Sec. Jesse Robredo na magiging komportable para sa dating pangulo ang magiging kuwarto sa nabanggit na government hospital.

Sa ngayon umano ay patuloy pa ang ginagawang renovation work sa gagamiting presidential suite ni Arroyo.

Maalala na ang nasabing kuwarto ay siya ring tinuluyan noon ni dating Pangulong Joseph Estrada nang masailalim sa hospital arrest.

Ang fully air-conditioned na presidential suite ay may kabuuang sukat na 150 square meters at mayroong anim na kuwarto, kung saan, isa ang nakalaan sa pasyente, may dining room, kitchen at sariling kuwarto para sa mga staff at security.

Samantala, papasanin naman ng gobyerno ang magiging gastos sa pananatili sa government hospital ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Paliwanag ni Robredo, dahil korte ang nag-utos para mailipat ng VMMC si Arroyo, aakuin ng pamahalaan ang gastos dito.

Tiniyak naman ng kalihim na ibibigay ng DILG kay Arroyo ang lahat ng pangangailangan sa nasabing pagamutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply