Gen. Oban nagpaalam na at nagpasalamat sa PNP

PORMAL nang nagpa-alam si Outgoing Armed Forces chief of staff Gen Eduardo SL Oban sa kanyang counter part sa Philippine National Police.

Todo pasasalamat si Oban kay PNP chief Nicanor Bartolome at sa buong rank and file ng pambansang kapulisan na aniya ay naging kabalikat niya sa pagtupad ng tunbgkulin na tiyakin ang kapayapaan at seguridad ng bansa.

Si Oban ay nakatakdang magretiro sa Disyembre 12, ay pormal na ring nagpaalam sa mga kasapi ng media kagabi sa inihandog na Christmas party para sa mga miyembro ng Defense Press Corps na itinuturing ng hukbong sandatahan na kaagapay sa paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Ayon Oban, hindi siya nagtagumpay sa pamumuno sa AFP kung hindi dahil sa tulong ng PNP lalo na sa pagpapatupad ng seguridad.

Aniya, sakaling maging isa nang sibilyan ay nakahanda pa rin siyang sumuporta sa PNP.

Inaasahan naman niya sa magiging bagong AFP chief of staff na makikipag-ugnayan at makipagtulungan din sa PNP para sa kampanya at programa ng dalawang ahensiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply