Genelyn Magsaysay, 2 testigo nagharap sa korte

PERSONAL na nagtungo sa Parañaque City Prosecutors Office ang ina ng napaslang na si Ramgen Revilla kaugnay sa counter affidavit na isinumite ng dalawang testigo na nagtuturo sa kapatid ng biktima na si Ramon Joseph Revilla bilang utak sa pagpaslang.

Nag-isnaban pa sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Napoleon Ramolete sina Genelyn Magsaysay at mga testigong sina Ronaldo Ancajas at Ruel Puzon matapos silang magharap sa pagdinig kaugnay sa nangyaring pamamaslang kay Ramgen.

Sa kanyang isinumiteng katugunan, iginiit ni Genelyn na inosente sa krimen ang kanyang mga anak at napatay lamang ng salarin si Ramgen dahil sa pagtatanggol sa kasintahang si Janelle Manahan.

Ipinahiwatig ni Genelyn sa kanyang katugunan na malaki ang posibilidad na hindi ang kanyang anak ang target ng salarin kundi ang kasintahan na si Manahan dahil ito aniya ang unang binaril at ipinagtanggol lamang siya ni Ramgen.

Naniniwala rin si Genelyn na hindi nagawan ng masama ng salarin ang isa pa niyang anak na si Maria Ramona dahil sa mabilis na pagtugon ni Ramgen sa ginawang pamamaril sa kanyang kasintahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply