Gin, Meralco goodbye semi-finals

NAGPAALAM na sa PBA Philippine Cup ang Ginebra Gin Kings at Meralco Bolts na bumagsak sa best-of 3 games laban sa Rain or Shine at Petron Blaze Booster, ayon sa pagkakasunod sa Ynarez Sports Center sa Antipolo City, Miyerkules ng gabi.

Hindi pinaporma ng tropa ni coach Yeng Guiao ang koponan ni coach Siot Tanquiansene sa score 106-91 habang dinala sa panalo ng nagbabalik-laro na si Chris Lutz na bumanat ng 21 at ni MVP candidate Arwind  Santos na pumotok 18 puntos para alisan ng linya ang Meralco boys 80-64.

Ang panalo ng Elasto Painters at Boosters ay nagdala sa semi-final casts sa Tropang Texters, Powerade Tigers, Petron Blaze Booster at Elasto Painters sa apat na team na maglalaban sa semi-final na sisimulan sa Enero 4 sa pagitan ng Rain or Shine kontra Powerade Tigers na parehong dihado na sumurprisa sa kasalukuyang PBA Philippine Cup.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply