Ginang binoga sa ulo

TODAS ang isang 41-anyos na ginang matapos itong barilin sa ulo ng ‘di nakilalang lalaki kagabi sa Tondo, Maynila.

Ayon kay MPD-Homicide Section P/Chief Inspector Joey de Ocampo, nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang identification card na si Marilyn Esponilla.

Sa report ni SPO1 Mario Asilo, dakong alas-7:45  nang ideklarang  patay ang biktima sa Mary Johnston Hospital sanhi ng tinamong tama ng  bala sa likurang bahagi ng kanyangb ulo.

Base sa testigong si Elizabeth Ragas, vendor, inilarawan nito ang tumakas na suspek na nasa edad na 25-30, may taas na 5’6” hanggang 5’7” mahaba ang buhok, katamtaman ang pangangatawan, may dalang clutch bag na brown, naka t-shisrt at short pants.

Nauna rito, nag-aabang umano ang biktima ng masasakyang jeep sa may Zamora panulukan ng Concha sa Tondo ng biyaheng North Bay Blvd. nang sumulpot ang isang ‘di nakilalang suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang una nang malapitan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ag suspek dala ang ‘di mabatid na kalibre ng baril habang naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin ito nakaligtas pa.

Patuloy naman ang isinasagawng imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang sa biktima dahil hindi naman kinuha ng suspek ang shoulder bag ng una  na naglalaman ng 1 silver necklace, isang wristwatch, tatlong pares na silver earrings, dalawang silver ring, isang cellphone, at tatlong pirasong I.D, assorted cosmetics.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Parlor para sa autopsy at safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply