Ginang niratrat ng mga holdaper, patay

WALANG-AWA na pinagbabaril ng mga holdaper na umagaw sa bag na naglalaman ng P100,000 na kawi-withdraw pa lamang sa bangko ng 37-anyos na single mother sa Maynila.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Shiela Mendoza ng Interior 41 Barrio Sta. Maria, Paco, Manila.

Sa imbestigasyon, naglalakad si Mendoza papauwi ng kanilang bahay dakong ala-una ng tanghali sa Pedro Gil St.  matapos mag-withdraw ng pera sa isang bangko sa Sta. Ana, nang hablutin ng mga holdaper ang kanyang bag.

Ayon sa imbestigador ng kaso na si SPO 2 Benito Cabatbat, nakita ng mga saksi ang Kawasaki na motor ng mga salarin na may numerong 8985 at ang namaril na suspek na inilarawang nasa 35-40 anyos, 5″3 ang taas, maitim ang balat at malaki ang pangangatawan.

Naiwan ni Mendoza ang nag-iisang 13-anyos na anak na babae

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply