Ginto ng Pilipinas iniismagel pa-China

HINIHINALA ng Department of Environment and Natural Resouirces (DENR) na iniismagel ng small scale miners ang namimina nilang ginto sa China.

Ayon kay DENR Sec. Ramon Paje, nabigla sila nang bumagsak ang gold reserve ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 76% sa third quarter ng taon.

Ani Paje, napakaseryosong bagay nito dahil nangangahulugang pagsabotahe ito sa ekonomiya.

Aniya, mula sa volume na 7166 kilo ng ginto, bumagsak sa 1,722 kilo – o kabuuang P12.32 billion noong 2010 sa P3.55 billion ngayong taon.

Hinihinalang nakikipagsabwatan ang small scale miners sa Chinese investors upang maismagel sa China ang anumang mamimina nilang ginto.

Posible umanong nagdesisyon ang SSMs na ibenta sac HINA ang kanilang namiminang ginto upang makaiwas sa 2% excise tax na ipinapataw ng BSP.

Dahil dito, nakipag-ugnayan na ang DENR sa Department of Finance (DOF), Bureau of Customs (BOC), at Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Ani Paje, kailangan na nila ang tulong ng PAOCTF dahil siguradong organized group ang may kagagawan ng nasabing gold smuggling.

Ani Paje, natuklasan nila ang hinihinalang smuggling nang biglang bumagsak ang gold sales sa BSP gayong hindi naman bumaba ang produksyon ng mga SSMs.

Ani kalihim, ang mga SSMs ay sa BSP lamang maaaring magbenta ng gintong namimina at hindi pinapayagang mag-export ng ginto sa kahit banong bansa.

Plano rin umano nilang isama ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon dahil napakalaking krimen ito kung tutuusin.

Aniya, natutuyo ang likas na yaman na wala namang napapala ang bansa.

Ang ginto sa Pilipinas ang isa sa pinakamahal na uri ng ginto sa buong mundo, kung saan nakatatapat ito sa klase ng ginto ng Saudi Arabia, Cina at Italy, base sa London Metal Exchange (LME) scale, ang organisasyong sumusukat sa halaga ng metal.

Ang kasalukuyang presyo ng bara ng ginto sa internasyunal na pamilihan ay P1,600 hanggang P1,900 bawat onsa, mas mataas ng 47% sa dati nitong presyo noong 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply