Giyera patani nina PNoy at Atong

LUMALALA yata ang giyera patani nina PNoy ng Palasyo at Mang Atong ng Korte Suprema.

Sabagay, kailangan ng bayan yang giyera na yan. Tsek en balans sa poder ang tawag diyan.

Sa tsek en balans, mag-isip muna nat onli wans but tways o trays ang sinoman sa pamahalaan na may hangaring manloko kay Juan o mang-abuso kaya sa poder.

oOo

May problema nga lang diyan, Suki.

Kapag malulong na ang mga nasa poder sa pakikipag-away sa isa’t isa, malaki ang posibilidad na malilimutan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin na paglingkuran at protektahan ang sambayanan higit sa lahat.

Nasusulat: Article II, Section 4. The prime duty of the Government is to serve and protect the people. Ang mismong 1987 Constitution ang nagsasabi nito.

Kapag kinalimutan nila ito at yang giyera patani ang kanilang pagsusunugan ng kilay sa buong panahon ng kanilang panunungkulan, aanhin pa ni Juan ang mga onorabol na ito, huh?

Hindi ibinoto si PNoy para maging bosing at hindi itinalaga si Mang Atong na bantay sa batas para mag-away lang.

oOo

Sa ibang salita, Suki, bayan na ng mga nagugutom at naghihirap ang Pinas. Kitang-kita naman ito sa bagsak na ekonomiya natin.

Dahil bagsak ang ekonomiya, sa ibang bansa na lang umaasa ang milyon-milyong mamamayan para makatakas sa gutom at paghihirap.

Nagugutom at naghihirap na nga si Juan, pinuputakte pa sila ng mga kompanya ng langis sa oil price hike, kompanya ng mga hay-wey sa toll hike, gobyerno sa sagad na EVAT, kompanya sa kontraktuwalisasyon at marami pang kamalasan.

Nasaan ang serbisyo at proteksyon nina PNoy at Mang Atong kay Juan sa mga kamalasang ito, huh?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply