Glaiza de Castro may bagong solo show ngayong bagong taon!

MASAYA ang Christmas at Bagong Taon ni Glaiza de Castro ngayong 2011 dahil sa pagpasok ng bagong taon ay sisimulan niya ang bagong soap opera na “Biritera” kung saan siya ang bida. Di pa natatapos ang “Amaya” kung saan second lead siya bilang si Biniyayaan, heto’t binigyan na siya ng bagong soap na siya pa ang bida.

Nakapag-shoot na ng teaser sina Glaiza, Angelika dela Cruz at Dennis Trillo ng Biritera at ngayon naman ay patuloy pa ring naghahanap ng batang babae na magaling bumirit para makasama sa show.

Sa teaser ay pare-parehong bumibirit sina Dennis, Angelika at Glaiza. Halatang bagong aura ng singer/actress ang ipakikita sa show. Heto na si Glaiza na lalabas na bilang singer na hindi naman mapasusubalian ang husay niya sa pag-awit.

Ani Glaiza: “Natutuwa ako sa GMA-7 dahil lagi akong binibigyan ng magagandang role. Heto, pagkatapos ng first solo soap kong Grazilda, na semi-fantasy, binigyan naman ako ng soap na malapit sa puso ko, ang umaawit, via Biritera. Mapalalapit na naman ako sa mga bata’t matanda na mahilig sa music.”

Balitang ipapalit ang Biritera sa “Daldalita” na mapanonood bago ang 24 Oras.

000

Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, umaangat na ang total gross sa takilya!

MASAYA ang text sa amin ni Jobert Sucaldito, ang publicity man ni Gov. ER Ejercito, hinggil sa magandang ipinakikitang resulta sa box office ng movie ni Gov. ER, ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, sa second day showing nito sa 2011 Metro Manila Film Festival, pagkatapos na  magkaroon ng problema sa prints noong first day showing. Diumano’y nasabotahe ang pagpi-print ng copies ng pelikula na ipalalabas sa buong Pilipinas. Dapat ay 51 prints ang kailangan pero ang nagawa raw ay 17 prints lang kaya kinulang ng copies. Tuloy kumita lang ng P5 million.

Kung tutuusin, sa regular showing ay okay na ito. Pero dapat nga’y 51 prints para umabot ang kita ng more than P20 million or more.

Tapos na ang problema sa prints. May 51 copies na sila. Hayun at sumisipa na sa takilya. Sabi ni Jobert, lumalaban na sa No. 5 slot na pinaglalabanan ng Shake, Rattle and Roll 13 at ang Yesterday, Today, Tomorrow.

Recommended naming panoorin ang Asiong Salonga Story dahil sa pang-international quality ang movie. Lumaban ito sa awards night na naganap kagabi (Disyembre 28).

May slated nang international film showing sa mga film festival ang Asiong Salonga Story.

000

WALANG balak pang tumanggap ng suitor si Rachelle Ann Go pagkatapos ng affair nila ni John Prats. Buhat nang makipaghiwalay siya kay John, maraming lalaking umaaligid sa kanya. Pero kapag nagpaparamdam ng panliligaw ay sinasabi na niya ang totoo na hindi pa siya handang makipagrelasyon. “Sayang lang ang kanilang pagod, dahil wala pa isip kong pumasok sa relasyon. Tinatapat ko sila agad dahil sa nakakahiya kapag may karelasyon ka na walang oras para sa kanila. Nakakahiya sa guy na hindi mo binibigyan ng oras kayong dalawa.

“Kapag ready na muli ako, pero sa ngayon ay naka-focus ang attensyon ko sa career ko bilang singer at artista. Malapit nang matapos ang latest album ko na next year na iri-release. May sarili akong composition dito. Tampok sina Rachelle at Kyla sa second week episode ng Master Chef na cooking show na ipalalabas bago ang ang Eat Bulaga, Monday to Friday.

Ang first week na co-host ni Chef Boy ay si Glaiza de Castro.

May modern approach ang cooking show dahil puwedeng sabayan si Chef Boy sa kanyang pagluluto. Everyday ay may assignment siyang gagawing cooking. Kaya ang mga misis sa bahay ay may panahong bumili ng ingredients. Tampok sa cooking ang mga mura pero malasang pagkain na paborito ng Pinoy.

000

KAHIT nasa abroad ang pamilya ngayon ni Manny Pacquiao, di pa rin niya kinalimutan ang mga tagasubaybay ng Manny Many Prizes dahil nag-advance taping siya. Kaya may games at pamimigay pa rin si Manny ng malalaking premyo ngayong bisperas ng Bagong Taon.

Ilang oras na lang, Bagong Taon na! Kaya todo na ang saya sa Manny Many Prizes!

Sisimulan ang selebrasyon sa paghataw sa dance floor kasama ang Sayaw Pilipinas dance crew.

Makikigulo rin sa Letrambol sina Rochelle Pangilinan at Mark Herras.

Abangan din sa Easy Manny kung may bagong milyonaryo na sa pagpasok ng bagong taon.

May isang pamilya rin na magiging masaya ang panimula ng 2012.

Yan at marami pang sorpresa ang dapat abangan sa New Year special ng Manny Many Prizes ngayong Sabado pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

000

MARAMING pagbabago sa Batibot ng TV5. Ang pinaka-paboritong all-time show ng mga bata, ito ay maghahatid ng mga panibagong muppets na paniguradong kagigiliwang panoorin ng mga bata ngayong ikatlong season nito. Kilalanin ang cute at nakatutuwang muppets na sina Sitsiritsit, Alibangbang at Tarsi na talaga namang maghahatid ng walang humpay na kasiyahan at karunungan sa mga batang manonood.

Samahan sila na tuklasin ang mga bagay sa mundo at linangin ang kaalaman habang nag-e-enjoy sa panonood ng Batibot. Sabayan sina Sitsiritsit at Alibangbang na usisain ang mundo at matuto sa kanila na patibayin ang angking katapangan at talas ng isip upang makita ang bago at katangi-tangi sa mga bagay na karaniwan. Samantala, ituturo naman sa atin ni Tarsi ang natatanging kahalagahan ng kalikasan. Dadalhin niya rin tayo sa pinakamagagandang sulok ng Pilipinas upang ipakita ang kagandahan ng mga likas na yaman nito. At higit sa lahat, tuturuan niya tayong mag-alaga ng kalikasan upang mapanatili ang kagandahan nito.

Sabay-sabay tayong mag-enjoy at matuto kasama sina Alibangbang, Sitsiritsit at Tarsi sa Batibot Season 3, Lunes hanggang Biyernes, 9:30 ng umaga at tuwing Sabado, 8:30 ng umaga sa TV5.

000

TAMPOK sa yearender presentation ng GMA-7 ang kabi-kabilang sakuna na gumulantang sa Pilipinas pati na rin sa kalapit bansa nitong Japan; iba’t ibang issue sa pulitika ng administrasyong Arroyo pati na rin Aquino; at mga kahindik-hindik na krimeng gumulat sa buong bayan— ilan lamang iyan sa mga kuwentong pabaon ng taong 2011.

Ngayong December 31, bago pa man pumasok ang taong 2012, balikan ang ilan sa mga balitang nagpabago sa Pilipinas at sa buong mundo sa Trending 2011: The GMA News and Public Affairs Yearend Special.

Tunghayan ang ilan sa mga pinakamalalaking kuwento ayon mismo sa publiko sa kauna-unahang interactive yearend special ng GMA-7.

Ilan sa mga nominado bilang pinakamalalaking newsmakers ng taon ay sina: Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa kanyang kampanya laban sa korapsyon, si rating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kabi-kabilang isyung kinakaharap niya ngayon, Sec. Leila de Lima sa kanyang paglaban umano sa pinakamataas na korte ng bansa at si Chief Justice Renato Corona.

Magbalik-tanaw rin sa mga nakasisindak na krimeng naganap sa taong 2011 kabilang ang isang insidente sa mall na kinabibilangan ng dalawang menor de edad.

Panooring muli ang ilan sa mga pinakamahahalagang pangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo sa taong 2011. Tampok rin sa yearend special ang mga pinakamalalaking pangalan sa larangan ng palakasan at showbiz.

Samahan ang beteranong broadcast journalist na si Mike Enriquez pati na rin si Dingdong Dantes sa Trending 2011: The GMA News and Public Affairs 2011 Yearend Special sa darating na Sabado ng gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply