Gloria diniretso sa VMMC presidential suite

NAKARATING na si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) Quezon City mula sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Dakong alas-3:30 ng hapon nang tumulak ang convoy ng dating pangulo sa St. Luke’s makalipas ang ilang oras na negosasyon kung anong mode of transport ang kanyang sasakyan.

Inabot naman ng halos 45 minuto ang biyahe sa gitna ng naranasang mga pag-ulan sa Metro Manila.

Inilabas si CGMA mula sa nasabing ospital habang nakasakay sa wheelchair at napapaligiran ng mga pulis.

Sa isang coaster sumakay ang dating pangulo kasama ang ilan sa Arroyo family at ang spokesperson na si Elena Bautista-Horn.

Pagdating ni Mrs. Arroyo sa Veterans hospital ay dadaan muna siya sa regular checkup tulad ng bagong pasok na pasyente.

Inihayag ni Dr. Nona dela Fuente-Legapzi, VMMC director, gagawin ang routine checkup sa presidential suite kung saan pansamantalang idedetine ang dating presidente dahil sa kasong electoral sabotage.

Ang clinical abstract naman sa sakit ni Arroyo mula sa St. Luke’s ay saka itu-turnover sa mga doktor ng VMMC.

Bilang pagsunod sa court order, nagtalaga na rin ng pansamantalang magiging attending physician para sa dating chief executive sa katauhan nina Dr. Vicky Javier, na head ng department of medicine at si Dr. Mark Nocum na ang specialization ay sa emergency medicine.

Tiniyak din naman ng pamunuan ng Veterans hospital na business as usual pa rin ang kanilang buong pasilidad at hindi makakaabala sa regular na pasyente ang pagpasok ng bagong VIP na pasyente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply