GMA absuwelto sa kasong pagdukot sa aktibista

SA KABILA ng kaliwa’t kanang kasong kinakaharap ng dating Panugulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal–Arroyo ay nakapuntos naman ito matapos na iabsuwelto ng Korte Suprema sa kasong pagdukot at pagpapahirap sa isang aktibistang magsasaka noong taong 2009.

Batay sa resolusyong isinulat ni Supreme Court Associate Justice Maria Lourdes Serena, pinagtibay nito na may ilang pagbabago ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA) kaugnay sa pag-torture kay Noriel Rodriguez, miyembro ng Alyansa Dagiti Mannalon Iti Cagayan o Kagimungan na konektado sa grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

Naabsuwelto rin sa kaso ang iba pang akusado na sina C/Supt. Ameto Tolentino, S/Supt. Jude Santos, George Palacpac, Antonio Cruz, Aldwin Pasicolan at Vincent Callaga dahil sa umano’y kawalan ng merito ng reklamo.

Binigyan naman ng Korte Suprema ang Depertment of Justice at Office of the Ombudsman ng anim na buwan upang makapagsumite ng resulta ng kanilang imbestigasyon matapos silang atasan ng korte na gumawa ng kaukulang aksyon  para sa pananagutan ng iba pang akusado na sina Gen. Delfin Bangit, Maj. Gen. Nestor Ochoa, Brig. Gen. Remegio De Vera, 1st Lt. Ryan Matutina; Lt. Col. Laurence Mina at Ret. Gen. Victor Ibrado, Ret. Police Dir. Gen. Jesus Verzosa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply