GMA ayaw sumakay sa chopper dahil sa sama ng panahon

AYAW pumayag ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kagustuhan ng mga awtoridad na ilipad sa pamamagitan ng helicopter si GMA patungo sa paglilipatan nito sa VMMC kaya’t nananatili ito sa St. Luke’s Medical Center hanggang mga oras na ito.

Hindi umano payag ang pamilya Arroyo na lumipad ang dating Pangulo sa ganitong uri ng panahon. Payag umano sila na tahakin ang daan patungo sa ospital sa lungsod Quezon kahit pa umano matagalan dahil sa mga matrapik na lugar.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Arroyo na si Elena Bautista Horn, hindi nila maintindihan sa mga nagdedesisyon sa paglilipat ng dating Pangulo kung bakit hindi pa umusad ang convoy na maghahatid kay Gng.Arroyo gayung kagabi pa ay handang-handa na ang pamilya sa magaganap na lipatan.

Ngayon lamang umaga lumabas ang desisyon ng mga  awtoridad na dadalhin ang dating Pangulo sa VMMC sa pamamagitan ng helicopter. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply