GMA bawal gumamit ng gadgets sa VMMC– korte

IPINAGBABAWAL na simula ngayon nang Pasay City Regional Trial Court (RTC) na gumamit ng laptop at cellphone si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Nabatid sa clerk of court ng Pasay City RTC branch 112 na si Joel Pelicano, na kailangan nang sundin ni Gng. Arroyo ang ipinalabas na kautusan ni Judge Jesus Mupas na hindi na puwedeng gumamit ng gadgets sa loob ng presidential suite ng VMMC mula nang mailipat ito kahapon (Disyembre 9).

Ayon kay Pelicano, ilang linggo ding pinagbigyan ang dating Pangulo na gumamit ng kanyang laptop at cellphone simula nang isiya ay isailalim sa “ospital arrest” sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Matatandaan na una nang nagpalabas ng kautusan si Mupas na pinagbabawala si Ginang Arroyo na gumamit ng cellphone, laptop at iba pang electronic gadgets sa loob ng detention facility nito at habang dinidinig pa ang kinakaharap na kasong electoral sabotage.

Maging ang mga bibisita kay Gng. Arroyo ay ipinagbawal din ng Philippine National Police (PNP) na magpasok ng cellphone sa loob ng kuwarto nito sa VMMC.

Kahapon ay inihayag ni PNP Chief Director Nicanor Bartolome na under detention ang dating Pangulo kaya ipinagbabawal ang pagdadala ng cellphone at iba pang electronic gadgets sa loob ng detention facility nito.

Bukod dito, sinabi ni Bartolome na hindi rin pwedeng magdala ang dating Pangulo ng sarili niyang security sa loob ng presidential suite at tanging PNP lamang ang magbibigay ng seguridad sa kanya.

Ayon pa kay Bartolome, sakaling nais ni Gng. Arroyo na lumabas ng kanyang detention facility at medyo malayo-layo ang kanyang pupuntahan gaya ng simbahan o chapel ay kailangan muna niyang kumuha ng court order.

Lalagyan naman aniya ng security barrier sa labas ng kanyang kwarto para makapagpaaraw ito sa umaga kung nais niya.

Ayon pa kay Bartolome, babaguhin nila ang ilang security arrangements sa VMMC kung saan may mga control points na dapat daanan ng mga bisita gayundin ang pag-inspeksyon sa lahat ng papasok sa main gate ng ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply