GMA bumubuti na ang kalagayan

MISMONG ang abogado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nagsabing bumubuti na ang kalagayan nito matapos na magkasakit ng colitis.

Ayon kay Atty. Laurence Arroyo, nakapaglalakad na ang kaniyang kliyente at nakalilibot na rin sa kanyang kwarto sa St. Luke’s Medcial Center sa Taguig City.

Aniya, mabilis ang naging pagtugon ni Ginang Arroyo sa mga gamot.

Masaya na rin aniya ang dating pangulo sa naging desisyon ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) na pahabain pa ang pananatili niya St. Luke’s bago ilipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Sabi pa ng abogado na sila ang sasagot sa gastos sa pinatatanggal na malaking bath tub sa presidential suite na tutuluyan ni Gng. Arroyo sa VMMC.

Mariing itinaggi rin ng kampo ng mga Arroyo na sinasadya nilang maantala ang paglilipat sa dating Pangulo sa VMMC upang hintayin ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng legalidad ng joint panel ng Commisison on Elections (Comelec) at Department of Justice (DOJ) na nagsampa ng kasong electoral sabotage laban dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply