GMA dadaan sa routine checkup pagdating sa VMMC

DADAAN muna si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa regular checkup pagdating sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City tulad ng isang bagong pasok na pasyente.

Ayon kay Dr. Nona dela Fuente-Legapzi, direktor ng VMMC, na ang gagawing routine checkup ay inaasahang tatagal ng isang oras sa presidential suite kung saan doon pansamantalang ilalagak si Ginang Arroyo dahil sa kasong electoral sabotage.

Ite-turnover naman ang clinical abstract ng sakit ni Gng. Arroyo mula sa St. Luke’s sa mga doktor ng VMMC.

Bilang pagsunod sa kautusan ng korte, nagtalaga na rin ng pansamantalang attending physician para kay Gng. Arroyo sa katauhan nina Dr. Vicky Javier, ang head ng department of medicine at si Dr. Mark Nocum na espesyalista sa emergency medicine.

Tiniyak naman ng pamunuan ng VMMC na hindi makakaabala sa mga regular na pasyente ang pagpasok ni Gng. Arroyo na itinuturing na VIP.

Ayon sa pamunuan, iba ang entrance patungo s presidential suite ni Gng. Arroyo at sa pasukan ng iba pang mga pasyente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply