GMA isasailalim sa full medical checkup ngayong araw

ISASAILALIM sa full medical checkup si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Veteran Memorial Medical Center sa Quezon City ngayong araw.

Si Ginang Arroyo ay nailipat na sa VMMC mula sa St. Luke’s Medcial Center sa Taguig kahapon (Disyembre 9).

Inihayag ni VMMC Director Nona Legaspi na habang nire-review nina Dr. Victoria Javier at Dr. Martha Nucum, mga in-assign na attending physician kay Ginang Arroyo ang mga medical record nito ay hindi maaaring makonsulta ang mga doktor nito sa St. Luke’s Medical.

Gayunaman, kung ipag-uutos ng korte ay pwedeng konsultahin ang mga doktor nito sa pinanggalingang ospital.

Maglalabas rin ng medical bulletin ang VMMC kapag ipinag-utos ng korte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply