GMA mas ligtas sa Veterans Hospital- Enrile

NANINIWALA si Senate President Juan Ponce Enrile na mas ligtas si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ito ay matapos na ikalungkot ng kampo ni Ginang Arroyo ang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court na pansamantala itong mailipat sa isang ospital ng gobyerno.

Una ng inihayag ni Pasay-RTC Branch 112 clerk of court Atty. Joel Pelicano na sa Martes (Disyembre 6) ay nakatakda ng ilipat sa Veterans Memorial Hospital ang dating Pangulo na ngayon ay naka-confine St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Ayon kay Enrile kung sa VMMC ilalagay si Arroyo ay matitiyak ang kaligtasan nito dahil sa maraming bantay ang naturang hospital kasunod ng paalala nito na maging si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ay sa Veterans din na-hospital arrest na napapalibutan ng steel bar.

Nauna nang nagbigay ng hiwalay na pahayag si Atty. Jose Flaminiano na nakahanda umano silang tumalima sa nasabing kautusan ng korte, bagama’t pag-aaralan din umano ang posibilidad na maghain ng apela depende sa medical conditions ng dating Pangulo.

Sinabi naman ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni dating First Gentleman Mike Arroyo na sa ngayon ang kanilang pangunahing iniintindi ay ang seguridad ng dating Pangulo sa likod ng natanggap nilang impormasyon na may nagbabanta sa buhay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply