GMA natakot sa malalim na bath tub ng VMMC

ANG malaking bathtub na nakalagay sa banyo ng Presidential suite sa Veterans Memorial Medical Center ang sinasabing isa sa dahilan kaya ayaw munang magpalipat ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Nabatid na pinaaalis muna ni GMA ang malaking bath tub dahil sa takot na baka malunod lalo at mas malaki pa umano ito sa dating pangulo at hindi niya kayang mahakbangan.

Pumayag naman ang Comelec sa pagpapaliban sa paglipat ng pangulo hanggang Biyernes sa VMMC, dahil umano sa dahilang Pasko naman.

Patuloy naman sa pag-eempake ang mga tauhan ng dating pangulo, at ang iba pang gamit ay nadala na sa VMMC, kung saan hinigpitan na ang seguridad sa nabanggit na ospital.

Hindi pa rin nagpapalabas ng resolusyon ang Pasay RTC hinggil sa kahilingan ng kampo ni GMA na makagamit ng laptop at celphone sa kanyang silid sa VMMC, upang magamit sa kanyang pagtupad sa tungkulin bilang congresswoman ng Pampanga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply