GMA pinayagan hanggang Biyernes sa St. Luke’s

PINAYAGAN ng hukuman na manatili pa hanggang Biyernes (Disyembre 9) sa St. Luke’s Memorial Medial Center si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Batay sa inihaing motion for consideration ng kampo ni Arroyo kay Pasay City Regional Trial Court (RTC) branch Judge Jesus Mupas, sinabi ng abogado ni Arroyo na si Atty. Laurence Arroyo na: “Our client is medically fit, but not fully recovered.”

Sa inihaing supplemental motion, pinahintulutan ni Judge Mupas na magamit ni Ginang Arroyo ang kanyang cellphone at laptop para maipagpatuloy ang kanyang gampanin bilang miyembro ng Kongreso.

Sinabi ni Judge Mupas na pinagbiyan niya ang kahilingan ng mga abogado dahil inaayos pa ang pasilidad ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) tulad ng bath tab mga tiles sa sahig at iba pang sirang gamit sa loob ng pagamutan na paglalagakan kay Ginang Arroyo. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply