GMA sa ospital magpapasko – PNP

HINDI papayagan ng Philippine National Police (PNP) si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makalabas ng ospital kahit pansamantala upang makapagdiwang ng Pasko.

Ayon kay PNP spokesman C/Supt. Agrimero Cruz Jr., ihihirit nila ang pananatili ni Mrs. Arroyo sa ospital sa gitna ng gagawing paglipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Giit ni Cruz, nasa hospital arrest ang estado ngayon ng dating Pangulo dahil kinakailangan nito ng medical attention at hindi sa intensiyong magsaya sa Pasko.

Nabatid na hanggang Biyernes ang binigay ng korte kay Arroyo para manatili ng St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply