GMA sinalubong ng kilos-protesta sa VMMC

SINALUBONG ng kilos protesta ng mga militanteng grupo ang pagdating ng convoy ni dating Pangulo, ngayon ay Cong. Gloria Macapagal Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center mula sa pinanggalingang St. Lukes Medical Center sa Taguig City.

Kasama ng dating Pangulo sa convoy ang asawa na si Mike Arroyo at mga anak na si Cong. Datu Arroyo at Mikey at mga abogadong sina Atty. Ferdinand Topacio at Raul Lambino habang nakaalalay ang security escorts na kinabibilangan ng PNP-Highway Patrol group.

Pasado alas 4:00 ng hapon ngayon nang dumating sa main gate ng VMMC hospital ang convoy ng dating Pangulo sakay ng  coaster na kulay puti bago ipinasok sa loob ng ospital.

Pasado alas-3:28 ng hapon nang umalis sa compound ng St.Lukes Medical Center sa Taguig City ang convoy ng dating Pangulong Arroyo at security escorts nito.

Hindi na rin nasunod ang gusto ni DILG Sec. Jesse Robredo na isakay sa helicopter ang dating Pangulo para sa transfer nito sa VMMC hospital.

Humigit kumulang sa daang miyembro ng militanteng Gabriela sa pangunguna ni Partylist Rep. Luzviminda Ilagan ang nakaabang sa main gate ng Veterans Memorial Medical Center ang nakagirian ang may 50 miyembro ng pro-Arroyo.

Ngunit wala namang pisikal na komprontasyon na nangyari  maliban sa palitan ng mga maaanghang na salita ang magkabilang grupo habang nakaantabay naman ang crowd dispersal management team ng Quezon City Police District upang maiwasan ang kaguluhan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply