GMA takot sa 2nd hand chopper ni FG – Erap

NABALAM ang paglilipat kay dating presidente, ngayon ay Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City dahil sa takot niyang sumakay sa secondhand Singaporean chopper ng kanyang mister na si Mikey Arroyo na sinasabing ibinenta nito sa Philippine National Police.

Ito ang pahayag kanina ni dating Pres. Joseph Ejercito Estrada.

Ani Estrada, higit na maswerte sa kanya si GMA dahil espesyal ang treatment sa kanya ng gobyerno.

Aniya, malaki ang ipinagbago ng VMMC presidential suite na dating pinaglagakan sa kanya noong nililitis pa siya sa kasong plunder.

Napakaganda umano nito kumpara sa dati, dahil inayos na mabuti bago inilipat si CGMA.

Dati ay marami itong daga at kailangan pa niyang magdala ng mga timba at tabo para makaligo ng maayos.

Gayunman, okay lamang umano ito sa kanya dahil babae si GMA at lalaki naman siya.

Napakahirap umano ng kanyang dinanas at ayaw niyang maranasan ito ng isang babaing tulad ni GMA.

Kanina, matapos ang napakahabang oras ng pag-aabang, preparasyon at diskusyon sa St. Luke’s Medical Center sa Global City sa Taguig ay nailipat din sa VMMC ang dating pangulo dakong 3:30 ng hapon.

Lumabas ng St. Lukes ang convoy ng isang truck ng Philippine National Police (PNP), dalawang ambulansya, isang puting coaster, mga police motorcyle at mga reporter.

Matatandaang natagalan ang pag-alis ni GMA sa St. Luke’s dahil sa pagtanggi nito at mister na si Atty. Mike Arroyo na sumakay sa chopper gaya ng iginigiit ng Philippine National Police (PNP).

Ayon Maria Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ng mga Arroyo, wala sa usapang sa helikopter isasakay ang dating pangulo patungong VMMC.

Takot umano sa helicopter si CGMA dahil dalawang beses na itong naaksidente non kaya mas gusto pa nilang sumakay na lamang sa taxi kesa sumakay sa chopper.

Kanina ay alas 5:00 pa lamang ng umaga ay gising na ang dating pangulo at nakaupo na sa kanyang wheelchair hanggang alas 7:00 ng umaga.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, kung bumuti ang lagay ng panahon ay ang PNP ang masusunod na air ambulance ang sasakyan ng Pampanga lady solon dahil sila ang bahala sa seguridad ng dating pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply