Good karma si Pokwang!

MANGIYAK-NGIYAK na humarap sa mga press people ang komedyanang si Pokwang dahil ang movie launch nitong “A Mother’s Story” ay mapanonood na sa wakas rito sa ating bansa. Ang pelikulang ito tungkol sa kuwento ng ating mga OFW ay tumatalakay sa kabayanihan ng isang ina na nagsakripisyo para sa kaginhawahan ng mga anak.

Dito naiyak ang HYY host dahil naurirat na naman ang tungkol sa pagkamatay ng panganay na anak na lalake noong 1998 habang siya’y naninilbihang kasambahay sa Middle East.

Hurting talaga dahil di na siya nakauwi sanhi ng kakapusan sa pera.

Brain tumor ang ikinamatay ng anak noong 5 1/2 years pa lamang ito.”Bale magsi-six years old na siya nong mamatay. Tungkol sa tatay (ng namatay niyang anak), “Saan ka nakakita  na ang anak mo ay nag-aagaw-buhay, tapos hihingi ka ng tulong pinansiyal pero iba ang haharap sa yo? Wala na raw (tatay) siyang koneksiyon sa amin dahil patay na ang bata.” At dito nagsimulang tumulo ang luha ni Pokie habang inaalala ang tsapter na ito ng kaniyang buhay.

“Hindi ako nakauwi no’n, ang sakit-sakit,” pahayag pa niya.

Nagpasiya naman ang Star Cinema na i-release sa ‘Pinas ang A Mother’s Story, dahil sa magagandang feedback na nakakarating sa management ng ABS-CBN at Star Cinema. Produced ito ng TFC at pang-international release lamang sana sa mga bansang may mga Pinoys na nagtatrabaho.

Sa unang premier showing nito sa Alex Theater sa New York, pinalakpakan at nagkaroon pa ng standing ovation dahil sa tindi ng emosyon ng mga nakapanood sa nasabing pelikula.

“Hindi ko kasi inabutan ang unang showing, natrapik sa ere,” pagpapatawa pa ni Pokie na manggagaling pa noon sa Canada for some shows at hahabol sana sa premier ng kaniyang movie.

“Sinabi sa akin, may standing ovation,” maluha-luha nitong sabi.

Hindi man awards o tropeo bilang pagkilala na magaling siyang aktres ang habol ni Pokie, still ang una nitong dalangin ay maging successful ang showing ng A Mother’s Story sa ‘Pinas on January 8, 2012.

***

POSITIBO ang pananaw ni Senador Bong Revilla, Jr., na maghi-hit ang Panday 2 at magiging topgrosser sa darating na MMFF dahil sa trailer pa lang, masasabing “ulam ” na ang inihandang pamaskong pelikula ng Imus Productions at GMA Films.

Sa totoo lang, kung survey ang masasabing feedback from the common-tao na nagsasabi kung ano ang kanilang paghahandaan (ng salapi) at panonoorin sa darating na film fest, nangunguna rito ang Panday 2.

Mala-Hollywood ang paghahandang ibinigay rito ng buong cast, na bukod sa magiting na senador, kasama rin sa bumubuo ng casting ay sina Congresswoman Lucy Torres, Lorna Tolentino, Philip Salvador, at ang magandang (pero asal demnonyong) si MR.

***

SEY naman ni Kris Aquino, solved na siya sa ikalawang puwesto o second topgrosser sa darating na MMFF. Kaya lang, ang bet nito sa topgrosser ay ang movie’ng pinagsasamahan ng kaniyang BFF na si Ai Ai delas Alas at box-office actor na si Vic Sotto.

Kung anuman ang topgrosser, o ang second o third, wala na kaming pakialam doon dahil mas tututukan namin ang sinabi ni Kris sa preskon ng Segunda Mano na kapag naka-P150-M ang kanilang movie ni Dingdong Dantes, iti-treat niya ang lahat ng movie press na naroroon sa kaniyang preskon with a grocery cart full of her product endorsements, including Gasul tank (with it’s content, of course!), Nido, Pantene, Magic Sarap and many other brands na kanyang ini-endorso.

We just hope and pray na Segunda Mano will hit the P150-M mark or even double ng ini-expect ni Tetay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply