Gov. ER Ejercito mala-Johnny Depp ang ipinakitang acting

IBANG Gov. ER Ejercito ang mapanonood n’yo sa movie na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Talagang pinag-aralan nito ang kanyang character bilang gangster sa movie na mala-Johnny Depp ang dating sa movie na Public Enemy ng Hollywood.

Sa Manila Kingpin, ipinagmamalaki niyang malaking naitulong sa kanyang acting si Philip Salvador na tumayong acting coach niya sa movie.

Sa premiere night last Saturday (Dec.17), pinalakpakan nang husto ang acting ni ER sa Manila Kingpin, di mo aakalaing in real life ay isa siyang ginagalang na governor ng Laguna.

Napakabilis ng mga eksena, akala mo nga’y nanonood ka ng Hollywood gangster movie. Magaling ang visual at direction ni Tikoy Aguiluz.

Maaaring siya ang maging best director ng 2011 Metro Manila Film Festival. Magaling din ang visuals at talagang hindi ka aantukin dahil sa bilis ng editing.

000

BILANG mag-asawa ang role nina Gov. ER Ejercito at Carla Abellana rito kaya hindi maiiwasang magkaroon ng mga maromansang tagpo sa movie kahit halikan lang ang nangyari sa kanila at walang bedscenes.

Kasi, isa naman itong action movie at hindi romance film feel pero mararamdaman mo pa rin ang caress at tenderness ng dalawang mag-asawa.

Aba, apat na kissing scenes ang ginawa ng dalawang bida at dahil magaling na aktres si Carla, ramdam na ramdam mo ang pagmamahal niya kay ER bilang asawa ni Asiong Salonga.

Nang nakausap namin si Gov. ER, mas marami pa raw kissing scenes sa movie kaya lang na-edit out dahil sa dapat ay less two hours lang ang movie.

Bukod kay Carla, may maromansang tagpo rin si Gov. ER kina Valerie Concepcion at Jaycee Parker ng Viva Hot Babes.

Ayon kay Gov. ER, mas matindi raw ang romansa nila ni Paloma sa movie kaya lang, tinanggal ito dahil sobra na sa time limit kung isasama pa.

Lumabas rin si Ely Buendia na kumanta ng theme song ng movie habang nagsasayaw sina Carla at ER na inaalala nila ang kanilang mga nakaraan sa buhay.

000

NAIBALITA rin ni Gov. ER Ejercito sa press na inimbitahan niya si Carla Abellana na dumalo sa premiere night ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story pero di na raw nakarating dahil may taping na ginagawa nang araw na iyon.

Ani Gov. ER: “Nag-usap na kami ni Mother Lily (Monterverde), okay na lahat. Kaya puwede nang mag-promote si Carla ng movie namin. Bukod pa rito, naging adviser ko rin sa movie si Mother Lily para sa tamang editing ng film.

Tulad ni Boss Vic (del Rosario), pareho sila ni Mother Lily na nagpayo sa akin na paikliin ko ang movie para mas maging mabilis at hindi mainip ang viewers. Saka, yan ang tamang haba lang ng pelikula. Kaya ang Manila Kingpin ay tatakbo lang ng one hour and 54 minutes.”

000

MARKADO rin sa Manila Kingpin si Phillip Salvador. Lumabas si Phillip bilang older brother ni Asiong Salonga. Isang pulis Maynila siya rito pero nangingibabaw sa kanya ang pagiging kapatid ni Asiong. Ayaw niyang siya ang huhuli kay Asiong dahil katwiran niya’y kapatid niya ito.

Sa engkuwentro ng pulis at gangster, ingat si Asiong Salonga sa pagbaril. Iniisip niya lagi na andon ang kanyang kuya na isang pulis.

Sa premiere night ay may nakakitang dumating si Philip pero umalis agad at hindi na nakipaghuntahan sa press na dumating.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply