‘Greatest Christmas gift’ ni PNoy sikreto

WALANG nakaaalam kung ano ang “greatest gift” na natanggap ni Pangulong Benigno Aquino III nitong nagdaang Pasko.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, wala siyang ideya kung nakatanggap ng “angry birds” ang Pangulong Aquino.

Ang character na Angry Birds ay patok sa mga kabataan ngayon dahil sa popular na laro nito.

Handa naman si Usec. Valte na itanong sa Pangulong Aquino kung anong regalo ang natanggap niya.

“‘Yan, sige pwede kong itanong sa kanya ‘yon. Huwag na natin itanong kung mayroon pong nag-regalo ng Angry Birds. Sige, the greatest gift na lang—I will ask him. Natanggap na regalo? Sigurado po akong galing sa kanyang pamilya at saka sa mga pamangkin po niya. Pero ‘yung gifts alam ko po kasi bawal tumanggap ng regalo si Pangulo eh. Gusto n’yo ba itanong ko sa kanya? Huwag na. Hindi ho, normally naman ‘yung mga bigay po ng, ano, ng pamilya niya,” anito.

Delikado naman kung isalarawan ni Usec. Valte kung “love” ang natanggap ng Chief Executive sa nakalipas na Pasko.

“Uy, delikado ‘yon—‘pag ‘yun ang… Alam ninyo hindi titigil ang tanong ninyo kapag ‘yun ang sagot eh. Hindi, sige tatanong natin kung ano ‘yung greatest gift. Ano ba ito, tangible or anything?,” aniya pa rin.

Nakiusap naman si Usec. Valte sa media na ibalato na lamang kay Pangulong Aquino kung kanino at ano ang regalong natanggap nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply