Green movies isusulong sa Senado ni Loren

HINIMOK ni Sen. Loren Legarda ang Filipino movie producers na lumikha ng mas maraming pelikula na tumutugon sa sensitibong pangangailangan sa Inang Kalikasan.

Ito ang panawagan ni Legarda matapos ipakilala ang unang Loren Legarda Environment Award for Film sa ginanap na 59th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences, Inc. (FAMAS) Awards Night.

Unang nakakuha ng naturang parangal ang Project Noel, isang environmental advocacy film na nilikha ng Marcus Phoenix Media Productions at sa direksiyon ni Steffan Ballesteros.

Ang pelikula ay istorya ng batang si Noel, na lumalandas na matapos ang proyekto sa paaralan hinggil sa banta sa kalikasan na nabuksan ang mas malalang kondisyon ng kapaligiran at naibulgar ang higit na pangangailangan upang tugunan ang problema.

“The movie industry is far from merely being a source of entertainment as it can actually touch peoples’ lives. A good movie leaves a strong impact on its viewers and as such is undoubtedly an effective channel to convey a critical message. A single film can become the impetus to influence citizens to act for a noble cause,” patapos ni Legarda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply