GSIS members: Mag-ingat sa pag-activate ng UMID account

MAPAIT and aral na natutunan ng aking kababayang si Thelma Fulgarinas- Binuya ng Caloocan BIR Office nang siya ay nagpatulong sa kanyang officemate na i-activate ang kanyang GSIS (Unified Multi-Purpose ID) UMID card sa isang GSIS Kiosk sa Caloocan City Agosto ng kasalukuyang taon.

Nitong nakaraang Nobyembre ay nabigla si Thelma nang napansin niya sa kanyang payslip ang deduction para sa GSIS loan. Mariin niyang itinanggi na nag-loan siya, sa katunayan dalawampung taon na raw siyang hindi naglo-loan sa GSIS.

Dahil sa panggayayari, sumulat siya sa pamunuan ng BIR na kagyat namang itinigil ang deduction para sa naturang loan at nangakong iimbestigahan ang pangyayari dahil na rin sa dami ng natatanggap na kahalintulad na reklamo mula sa mga empleyado nito.

Sumulat din siya sa pamunuan ng GSIS at personal na naghain ng kanyang reklamo sa headquarters nito sa Pasay City.

Ipinaalam din niya ang kanyang reklamo sa mga taga-media at sa tanggapan ni Senator Ralph Recto na siyang Chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies.

Sa madaling salita, ginawa na niyang personal advocacy ang makatulong upang matigil na ang ganitong pangyayari na sa simula ay inakala niyang isang inside job sa GSIS.

Abangan bukas ang detalye kung papaano nagawang pagnakawan si Thelma ng sarili niyang kaopisina ng mahigit P100,000.

ooo000ooo

Maligayang kaarawan kay Edwin E. Sevidal ng ABS-CBN/DZMM mula sa iyong mga kapamilya, kapuso at kapatid sa National Press Club!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply