Guadalupe Market sinalakay ng NMIS

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang Guadalupe Market sa Makati City dahil sa umano’y pagbebenta ng karne ng kalabaw.

Ni-raid ng grupo ang dalawang stall na nagbebenta umano ng “carabeef” na sinasabing kinatay sa isang iligal na slaughter house sa Quezon City at dinala sa palengke para doon ibenta.

Ayon sa NMIS, ilang beses na nilang binalaan ang dalawang tindahan pero tuluy-tuloy pa rin ang pagbebenta ng mga ito.

Pumalag naman ang mga tindero ng karne nang magdesisyon ang NMIS na kumpiskahin ang kanilang mga paninda.

Umabot sa halos 300 kilo ng carabeef ang nasamsam sa naturang raid ng NMIS.

Ipinaubaya naman ng naturang ahensya sa lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagpapasara sa iligal na katayan sa kanilang lungsod.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply