Gun holders binalaan ng PNP

BINALAAN ngayon ng liderato ng Philippine National Police ang lahat ng mga gun holders sa bansa na may katapat na mabigat na parusa  ang mga magpapaputok ng kanikanilang mga baril ngayong yuletide season.

Kasunod nito ay nanawagan din si PNP Director General Nicanor Bartolome sa publiko na  agad isumbong sa kapulisan ang mga gun holders na lalabag sa utos maging sila man ay tauhan ng pamahalaan o mga pribadong indibiduwal.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., wala silang ikukompromiso sa mga iresponsableng gun holders.

Oras na mapatuyang nagkasala sila ay agad na mahaharap sa kaukulang parusa at kanselasyon pa ng kanilang mga lisensiya o permit to carry.

Nabatid na 30 kaso ng iligal na pagpapaputok ng baril sa bansa ang naitala tatlong araw matapos ang bagong taon ngayong 2011.

Samantala may babala rin para sa mga nagmamaneho ng lasing.

Ito ay sinabi ni P/Chief Supt Espina, hepe ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), sa  mga motorista lalo na ngayong kaliwa’t kanan na ang mga party.

Base sa datos ng PNP-HPG, ang pagmamaneho ng lasing ang naging dahilan kung bakit tumaas ang aksidente sa bansa partikular na sa mga nagmamaneho ng motorsiklo.

Nabatid na noong nakaraang taon ay 792 ang naitalang insidente habang hanggang ngayong Nobyembre ng 2011 ay umabot na ng 600 ang naitalang aksidente dahil sa pagmamaneho ng lasing. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply