Gustong ma-solo kaya ayaw nang paghubarin

IPINAKIKITA at pinadarama lang talaga ni Daniel Matsunaga ang tunay na pagmamahal sa kasintahang si Heart Evangelista kaya sinusunod nito ang mga bagay na ayaw nitong gawin niya tulad na lang nang natanguang committment ni Daniel para sa isang event kung saan required siyang magsuot ng underwear.

Nu’ng malaman ng model-actor na ayaw ito ng girlfriend/actress ay hindi na siya nagpumilit pa at umatras na lang doon sa pagrarampahan sana niya.

Yes, hindi na iniintindi pa ng Brapanese actor ang kanyang kikitain sa raket na ito, ang importante kasi sa kanya ay si Heart at ang feelings nito lalo pa’t very vocal siya sa pagsabing ito na ang babaeng pakakasalan na aprub na rin sa kanyang pamilya.

Ewan lang natin sa mga parents ni Heart kung tanggap na ba nila si Daniel para sa kanilang daughter. Pero for us ha? Napakasuwerte talaga ni Heart dito sa kanyang Brapanese boyfriend dahil maliban sa sinusunod siya nito ay ipinagluluto at pinagpaplansta pa siya ng papalicious na hunk.

One thing more, sanay na sanay maghubad itong si Daniel lalo na noong newcomer pa ito kung saan talagang totally nude ito sa kanyang mga pictorial, pero now, change na siya ng image because of her loving Mama Heart na gusto na siyang ma-solo.

True love gyud!

****

Enchong nalilibang na kay Jewel sa Maria la del Barrio

NAPANIWALA kasi si Luis (Enchong Dee) na magkapatid talaga sila sa ama ni Maria (Erich Gonzales) kaya maliban sa hindi ito sumipot sa araw ng kasal nila sa Huwes ni Maria ay pinag-aralan na rin nitong unti-unti ng kalimutan ang dalaga.

At habang kinalilimutan ang masamang nangyari sa pagmamahalan nila ni Maria ay nalilibang naman siya ngayon dito kay Sabrina played by Jewel Mische na bagong pasok na character sa Book 2 ng Maria la del Barrio na guguluhin ang relasyong Luis at Maria nang hindi na ito magkabalikan pa.

Ang kaso, parehong buntis ngayon sina Maria at Sabrina. Ang pagkakaiba lang, si Luis ang ama ng nasa sinapupunan ni Maria samantalang sa ibang lalaki naman ‘yung pinagdadalantao ni Sabrina.

Ano na ang mangyayari ngayon kay Maria? Makayanan kaya nito ang bagong kabanata sa kanyang buhay nang wala sa tabi niya si Luis at ang Mama Sandra (Assunta de Rossi) lang ang tumataguyod sa kanya?

Pero base sa kuwento o book 2 ng nasabing top-rating Primetime teleserye, bagong Maria na ang masusubaybayan ng mga manonood na eere hanggang Pebrero 2012. Kuwento pa ni Erich, “Kilala pong palaban ang role kong si Maria. Pero sa bagong kabanata, ibang klaseng tapang ang ipakikita niya. Kung dati, sobrang pure siya, ngayon ay susubukin ang tatag ng kanyang pagkatao.”

Yes, handang-handa nang lumaban si Maria kay Victoria de la Vega (Angel Aquino), ang mommy ni Luis na siyang nagwasak ng pagkatao niya. Ang Maria la del Barrio ay nasa ilalim ng direksiyon nina Rory B. Quintos at Richard Somes.

Abangan gabi-gabi ang mas matitindi pang mga rebelasyon na babago sa buhay ng character nina Maria, Luis Victoria, Fernando (Ian Veneracion) at Sandra.

Mapapanood ito sa Kapamilya network pagkatapos ng Reputasyon ni Cristine Reyes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply