Habal-habal sumalpok: 5 magkakamag-anak kritikal

NASA bingit ng kamatayan ang limang magkakaanak makaraang mabangga ang sinasakyan nilang habal-habal nang mag-overtake ito sa isang pribadong sasakyan sa sa bayan ng Alang-Alang, Leyte.

Nabatid na nag-overtake ang habal-habal na sinasakyan ng mga biktima sa isang pribadong sasakyan kung saan pinaniniwalaang nakainom umano ang driver ng motor matapos na dumalo sa isang salu-salo.

Kinilala naman ang mga biktima na sina Ernesto Cerro, Antoni Cerro, Albert Cerro, pawang magkakapatid, Novelita Cerro, ina, at Josue Garcia na pamangkin.

Dahil sa malakas na pwersa ng pagkakabangga, nahila ng motor sina Albert at ang ina na si Novelita kung saan nagtamo ang mga ito ng matinding sugat sa ilang bahagi ng katawan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply