Halos hinakot ang karamihan sa festival awards

HALOS hinakot ng pelikulang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story” ang lahat ng major awards sa katatapos na Metro Manila Film Festival awards night na ginanap sa Resorts World Performing Arts Theater.

Out of 21 categories ay labing isa ang nakuha ng pelikulang ito ni Laguna Governor Jeorge “ER” Ejercito Estregan.

Kabilang rito ang Best Production Design, Cinematography, Editing, Musical Score, Sound Recording, Original Theme Song, Supporting Actor, Screenplay, Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, Best Director at Best Festival Picture.

Marami naman ang napatanga o nagulat nang manalong best actor si Dingdong Dantes at hindi si ER. Lalong lumakas ang hinala ng mga naroroong miyembro ng entertainment press at ilang manonood na maaaring may kinalaman si Kris Aquino sa pagkakapanalo nito dahil na rin sa mga pahayag nito na kung hindi mananalo si Dingdong bilang best actor ay magwawala raw ito at ang isa pa ay ang itataya niya ang kanyang apelyido kung hindi nga mananalo ang aktor.

Ang suhestyon nga ng ilan ay huwag tanggapin ni Dindong ang award o dili kaya ay panoorin niya muna ang Asiong at pelikula niya tapos ikumpara niya ang akting niya kay ER. Kung sa tingin niya ay karapat-dapat nga siyang itanghal na best actor tanggapin niya at kung hindi naman ay isauli niya para mawala ang duda na may kinalaman nga si Kris sa pagkakapanalo niya.

Para naman kay Kris Aquino, sana paminsan-minsan ay ipinid naman niya ang kanyang bibig at huwag magbigay ng mga katulad na pahayag para hindi siya pag-isipan ng masama. Marami na kasi siyang deklarasyon na kinakain na rin naman niya sa bandang huli, tulad noong sinabi niyang hindi na muna siya tatanggap ng talk show habang ang kanyang kapatid na si PNoy ang Presidente dahil baka may masabi siyang ikasisira o makakaapekto sa Pangulo. Pero ano ang nangyari? After ng ilang buwan matapos siyang magpahayag nito ay tinanggap niya ang isang talk show sa ABS-CBN.

Well, balik uli tayo sa iba pang nanalo, walang duda ang pagkakapanalo ng Panday 2 sa kategoryang Best Festival Float at Best Visual Effects, Best Festival Make Up at 2nd Best Festival Picture ay nakopo naman ng Enteng ng Ina Mo, Gender Sensitivity Award, Best Supporting Actress (Eugene Domingo) ay nakuha ng House Husband, Best Child Actor, Best Story (medyo questionable) at 1st Best Festival Picture sa Shake, Rattle and Roll 13.

Nakakuha naman ng tig-isang award ang Segunda Mano ( Best Actor) at ang Yesterday, Today and Tomorrow (Best Actress, Maricel Soriano).

Pinasalamatan at binigyang pugay ni Gov. ER ang direktor ng kanilang pelikula na si Direk Tikoy Aguiluz na alam nating nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan sa pagitan nila ng producer na ang tanging hangad lang ay mapaganda pang lalo ang pelikula na kung aming susuriin ay hindi naman nagkamali ng desisyon ang Scenema Concept International at Viva Films sa kanilang naging desisyon kung saan nga ang katibayan ay pagkakamit nito ng maraming awards sa MMFF.

Para sa lahat ng mga nanalo, congratulations!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply