Hamog sa umaga may kasamang usok

IPINALIWANAG ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi hamog ang nakikita ng taumbayan tuwing umaga.

Binigyang linaw ni PAGASA Administrator Graciano Yumul kung bakit malabo ang bawat umaga ng mga Pinoy partikular na sa Metro Manila.

Sinabi ng opisyal na sa urban areas, may kababaan ang elevation at hindi purong water droplets ang smog dahil may kasama itong usok at pollutants.

Sinabi din ni Yumul na malaking bahagi ng nararamdaman ngayong klima ng bansa ang epekto ng La Niña phenomenon.

Samantala kanselado ang mga flights sa China dahil sa smog.

Binalot ng smog ang buong bansa dahilan para ang ilang lansangan ang isinara at ang pangunahing airport sa Beijing.

Ayon sa U.S. Embassy, nasa “hazardous” level ang polusyon sa Beijing simula pa kahapon (Disyembre 5). Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply