Hamon ni PNoy kay Corona: Harapin ang impeachment

HINAMON ngayon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III si Supreme Court Chief Justice Renato Corona na harapin ang impeachment complanit na isinampa laban sa kanya.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati na ito na ang tamang pagkakataon at lugar upang idepensa ni Corona ang kanyang sarili.

Muling binanatan din ng Pangulo si Corona sa pagsasabi ng: “Malinaw po ang katotohanan: Si Ginoong Corona ay itinalaga sa Korte Suprema, hindi bilang alagad ng katarungan, kundi bilang alagad ni Ginang Arroyo.”

Inisa-isa rin ni Pangulong Aquino ang mga naging pabago-bagong desisyon ng Korte Suprema tulad ng sa usapin sa gusot sa Philippine Airlines (PAL) at ang kaso ng League of Cities of the Philippines na anang Pangulo ay bumabagabag pa rin sa kaniyang isipan ang mga naging epekto ng mga ito sa karaniwang mamamayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply