Mujiv Hataman hindi personal choice ni PNoy

HINDI personal choice ni Pangulong Benigno Aquino III si dating Anak Mindanao Rep. Mujiv Hataman kaya naitalaga bilang bagong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) officer-in-charge (OIC).

Ito ang binigyang diin ni Presidential spokesman Edwin Lacierda at sinabing rekomendasyon iyon ng selection committee.

Aniya, karapat-dapat naman si Hataman sa kanyang posisyon base sa kanyang political background.

Ayon kay Lacierda, bilang dating kongresista, alam ni Hataman ang sitwasyon sa ARMM at kung paano resolbahin ang mga problema roon.

“Hindi lang ‘yon, hindi lang in terms of cases to be filed, ano. It is more important that there is a participatory governance. You’re only mentioning the OIC but marami pong ia-appoint din doon kasama po ang vice governor and also the regional legislative assembly. They, in turn, they will all form part of the group that will advance the reforms of the ARMM,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Tiwala aniya silang magpapatupad ng pagbabago si Hataman sa ARMM at nangako ring hindi tatakbo sa 2013 elections tulad ng kondisyon.

Sinabi ni Sec. Lacierda na hindi sinadyang itago ang appointment ni Hataman at hindi rin itinaon sa pananalasa ng bagyong Sendong ang announcement dahil natanong lamang si Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo ukol dito.

Samantala, bilang bagong ARMM OIC ay agad na tututukan ni Hataman ang usapin hinggil sa illegal logging.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply