HDO sa may-ari ng bumagsak na eroplano iginiit

HOLD departure order ang hinihingi ng Civil Aviation Authority of the Philippines laban sa may-ari ng light cargo plane na bumagsak nuong sabado sa mataong lugar ng Paranaque na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon sa pamunuan ng CAAP na si Ramon Gutierrez, hindi pa rin lumulutang ang may-ari ng beechcraft plane na nakilalang si Fidel Hembrador dahil marahil sa laki ng pananagutan na sanhi ng pagbagsak ng kanyang eroplano kaya’t nararapat lamang itong pigilan na matakasan ang kanyng mga responsibilidad.

Sa pag-iimbestiga ng CAAP napag-alaman na walang air operating certificate ang beechcraft dahil isa itong pribadong eroplano at napag-alaman na sa kanyng flight plan ay ginamit ang certificate ng ibang kumpanya na nalamang sa Aviation Technologies Innovators. Napag-alaman din na ginagamit ng nasabing eroplano ang hangar ng ATI at ang repair facilities nito dahil magkaibigan umano ang may-ari ng ATI at si Hembrador.

May pananagutan umano ang ATI sa nangyaring insidente dahil sa flight plan, ang ATI certificate ang ginamit upang makalipad ang nasabing eroplano. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply