Heaven Sent kikilatisin si Alamid

RAMBULAN sa arangkadahan ang masasaksihan bukas (Disyembre 10) ng hapon sa 2011 Grand Sprint Championship Race na gaganapin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Siyam na kabayong matutulin sa largahan ang mag-uunahan upang sungkitin ang P600,000 na premyo sa distansyang 1,000 meter race.

Kilalang mabilis sa arangkadahan ang beteranong si Heaven Sent subalit pihadong hindi magpapahuli ang batang si Alamid na marami na ring nilabanang malalaks na kabayo.

“Lahat naman ng kalahok may tulin sa largahan pero alam naman natin na si Heaven Sent ay bumabanderang tapos sa mahahabang karera kahit may lutsa pa ito,” paliwanag ni Banjo Sopenaski isang beteranong karerista.

Ang ibang kasali ay sina Go Army, Tiger Run, Wind Turbulence, Consolidator, Royal Gee, Megamax at Joshua’s Laughter.

May nakalaan din na P225,000 para sa pangalawang kabayong tatawid ng meta habang P125,000 at P50,000 ang iuuwi ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Samantala, bukas naman ilalarga ang Juvenile Championship kung saan ay paniguradong papaboran si Humble Riches na hindi pa nakakatikim ng talo mula ng tumakbo ito sa aktual na karera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply