Hello Garci scandal kailangan na ng closure – PNoy

NANINIWALA si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nasa tamang pagkakataon na para magkaroon ng resolusyon sa “Hello Garci” scandal.

Ang nasabing iskandalo ay may kinalaman sa alegasyong pandaraya noong 2004 elections kung saan sinasabing na-wiretap at narekord ang pakikipag-usap umano ng dating Pangulong Gloria Arroyo sa isang Comelec official.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Makati Business Club (MBC) kanina, sinabi ng Pangulo na matagal nang nagmumulto sa bansa ang naturang iskandalo kaya’t panahon na para magkaroon ng closure.

Ayon sa Pangulo, isa sa mga hakbang ang pagpapaimbestiga kay Arroyo at magkaroon ng patas na paglilitis.

Muli namang iginiit ng Pangulo na hindi paghihiganti ang kanyang motibo at nais lamang nitong magkaroon ng accountability.

Dapat umanong maipatupad ang batas at mahabol ang mga nagkasala, ordinaryong manggagawa man hanggang sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno.

Inihayag naman ng Pangulo na alam niyang darating din ang araw na siya’y magiging “ex-president” kaya araw-araw, lagi nitong isinaalang-alang ang kahihinatnan at bigat ng mga desisyong ginagawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply