Hiling ng Palasyo sa SC: Ilabas ang SALN ninyo

HINIHILING ng Malakayang na baligtarin ng Supreme Court ang en banc resolution nito at pinahintulutan ang mga mahistrado na ipakita ang kani-kanilang yaman.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na ito na ang panahaon upang tugunan ng SC ang kahilingan ng publiko at dapat lang na sumunod sa kanilang hilinh ukol na rin sa panawagan ng transparency at accountability.

Ayon pa kay Lacierda na nakasaad sa batas na dapat isapubliko ng lahat ng opisyal ng pamahalaan ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Sinang-ayunan din ito ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño dahil aniya bahagi ng kanilang tungkulin na ipaalam sa taumbayan kung ano ang pinagkakakitaan ng mga public official.

Magugunitang isa sa mga pinagbatayan ng impeachment ni Chief Justice Renato Corona ay ang hindi paglalahad ng kanyang yaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply