Hiling ni RJ Bautista ibinasura ng P’que RTC

TINANGGIHAN ng Parañaque Regional Trial Court (RTC) ang hirit ng abogado ni Ramon Joseph “RJ” Bautista na ibasura ang kasong murder at frustrated murder laban sa akusado kaugnay sa pagpatay sa nakatatandang kapatid na si Ramgen Revilla.

Sa limang pahinang desisyon ni Judge Fortunito Madrona ng Parañaque RTC Branch 274, kinatigan niya ang legalidad ng pagdakip ng pulisya kay RJ Bautista, dalawang araw matapos ang nangyaring pamamaslang kay Ramgen noong Oktubre 28.

Naniniwala ang korte na ginampanan ng awtoridad ang opisyal na tungkulin nang dakpin ang akusado kahit na walang warrant of arrest dahil maituturing itong “hot pursuit” na isa sa batayan ng warrantless arrest.

Magugunita na kinuwestiyon ng abogado ni RJ ang pagpapasailalim nito sa kapangyarihan ng hukuman gayong dinakip ang akusado nang walang warrant of arrest.

Wala rin umanong personal na kaalaman sa krimen ang mga dumakip na awtoridad na isa sa isinasaad ng Section 5 ng Rule 113 ng Rules of Criminal Procedure at ibinatay lamang ang pagdakip sa isinumiteng affidavit ng testigong si Ruel Puzon na umaming isa siya sa inalok na upahan na patayin si Ramgen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply