Hiniwalayan ng ka-live-in nagpatiwakal

TINAPOS ng 20-anyos na binata ang sariling buhay nang magpakatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang makipaghiwalay sa kanya ang kalive-in kaninang umaga sa Pasay City.

Tinangka pang isugod ng kanyang mga kapatid at tiyahin sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Jaime Gacerez, ng Blk 4 Lot 1 Dap-dap St. Barrio Sto Ninoy  subalit idineklara ng mga doktor na patay na nang idating sa naturang pagamutan dakong 9:23 ng umaga.

Lumabas sa imbestigasyon ni SPO1 Jonathan Bayot ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police na huling nakitang buhay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Cherry Grace ang biktima dakong 6 ng umaga habang kausap nila ang kanilang ina na nagtatrabaho sa Australia.

Sinabi ni Cherry Grace sa pulisya na tatlong gabi na niyang inoobserbahan ang kanyang kapatid dahil sa pagiging balisa at hindi nito pagtulog mula nang kumalas sa kanilang relasyon ang kalive-in na nakilala sa pangalang Madona Maarat.

Labis umanong dinamdam ng binata ang pasiya ng babae na putulin na ang kanilang relasyon na posibleng naging dahilan upang magpasya itong magpatiwakal, gamit ang kumot sa ipinulupot sa kanyang leeg at isinabit ang dulo sa kahoy ng kisame.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply