Hirit na Christmas furlough ni GMA ibinasura ng Pasay RTC

IBINASURA ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang mosyon ni dating Glorian Macapagal-Arroyp para sa kanyang Christmas furlough.

Ayon kay Pasay City RTC Branch 112 Judge Jesus Mupas, mananatili si Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City at tanging mga kamag-anak at aboga lamang nito ang pinahihintulutang dumalaw sa kanya sa naturang pagamutan.

Batay sa inilabas na resolution ni Judge Mupas, wala umanong dahilan para magpunta si Gng. Arroyo sa kanyang bahay sa La Vista, Quezon City at doon mag-Pasko.

Unang hiniling ng kampo ni Arroyo ang sampung-araw para makasama ng dating Pangulo ang kanyang mga mahal sa buhay ngayong Pasko, mula Disyembre 23 hanggang sa Enero 2 ng susunod na taon.

Kaugnay nito hindi rin pinaboran ng hukuman ang motion ni Arroyo para makagamit ng laptop at cellphone maliban sa kanyang abogado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply