HIV/AIDS: Dumarami sa Pinas, kumokonti sa ibang bansa

SAGLIT nating ibaling mula sa giyera patani sa pulitika ang ating atensyon sa nakaririmarim na kalagayang pangkalusugan ni Juan.

Ayon sa mga sumusubaybay sa sakit na ito na walang lunas, maaaring aabot na sa 40,000 ang biktima nito sa taong 2015 sa repablik ni Juan.

Aba maraming tao yan lalo na kung iisipin natin na magkakalat ang mga ito.

Di bale sana kung ang sakit na ‘to ay gaya lang ng pagkulo ng tiyan at pagtatae.

Sa konting nilagang dahon ng abokado, Suki, tapos ang problema.

Eh walang gamot ang HIV/AIDS at nakamamatay. Sa katunayan daan-daan na ang namamatay rito at maaaring may mga namatay pa nga na hindi naiuulat sa mga awtoridad.

oOo

Magandang tingnan ang mga kadalasang paraan ng pagkalat nito.

Ang sabi, karaniwang labing-labing ng mga lalaki sa kapwa nila lalaki ang pinagmumulan ng sakit.

Pero marami ang galing sa mga normal na ugnayan ng lalaki at babae.

Heto pa ang masaklap.

Marami sa mga biktima ang overseas Filipino workers. Lalo na sa parte ng mga seaman.

Pero dahil mas marami ang nagkakasakit at nagkakahawahan sa loob ng Pinas kaysa ang mga nahahawa sa ibang bansa, dapat itong pagtuunan ng pansin.

Ang isang tanong, eh, ano-ano na ang resulta ng ginagawang pag-aaral ng mga kinauukulan dito?

Ano-ano na ang ginagawa ng mga ito para mapigil ang mabilis na paglaganap ng sakit na ito?

Op kors, marami na ang nakaaalam ukol sa sakit na ito at sila ang dapat na kumilos laban dito, lalo ang mga posibleng maging biktima.

Pero iba pa rin ang kampanya ng mga kinauukulan laban sa sakit na ito.

Kilos, DOH!!!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply