Hiyang sa buhay may asawa

GLOWING ang aura ni Ogie Alcasid last time na makaharap namin siya sa katatapos na Ala Eh Festival na ginanap sa Calaca, Batangas. Isa siya sa mga naimbitahan ni Governor Vilma Santos na mag-judge sa grand finals ng singing competition na VSR (Voices, Songs, & Rhythms) na one of the highlights ng isinagawang selebrasyon ng 433rd foundation ng lalawigan.

Todo ang ngiti ng actor-singer at song writer nang mausisa namin kung kumusta na ang baby nila ni Regine Velasquez.

“Gano’n pa rin… puyatan pa rin lagi siyempre,” natatawang kuwento ni Ogie. “Dahil… halos four times gumigising ‘yong bata kapag madaling araw.

“Eh since nagtatrabaho ako, sasabihin ni misis (Regine)… sige matulog ka muna.

“Oo. Full time Mom si Regine. May nurse lang kami ngayon kasi caesarian si Regine, e. Pero siyempre, habambuhay na naming gagampanan ‘yong pagiging hands on sa bata.

“Nag-one month na ‘yong baby namin nitong December 8. Nakakatawa kasi ‘yong iyak niya. Malambing kasi ‘yong iyak niya. Hindi ‘yong iyak na nakakainis, e.”

Iyak din ba ng isang future singer na masasabi?

“Oo, e. Dahil ‘yong dulo mataas, e.  Mataas ‘yong pitch.”

Totoo bang pila na ang mga nag-aalok ng possible endorsements para sa baby nila ni Regine? “E… meron. Pero hindi pa namin kinakausap dahil mas mahalaga munang…siyempre hindi pa nababakunahan nang todo. One month pa lang, e.”

Kailan ang binyag?

“A… hindi pa namin alam. Siguro January o February. Mga magiging ninong at ninang? Wala pa kaming nakakausap, e.”

Ano naman ‘yong mga nakikita niyang medyo nahihirapan si Regine bilang nanay ng baby nila?

“Uhm… siyempre first time mom siya, ‘no? And hindi naman kami teenager. So… medyo may adjustment nang konti.

“Pero siya, full time siyang mag-breast feed. So malaking bagay iyon na breast feeding siya all the way. Ang laki na ng ipinayat niya.

“Tapos nagyu-yoga siya ngayon.

“So… medyo hirap din. Kasi alam mo naman kapag baby pa, iku-consume ka ng baby,‘no? Kapag nanay ka.”

How will they spend Christmas naman?

“Sa bahay lang kami. Although December 22 is our anniversary. So… dito lang kami sa Batangas for a few days. Taga-Taal ako.”

First time nilang magsi-celebrate ng Christmas ni Regine with their newborn son. Ano ang mga paghahandang ginagawa nila kaugnay ng palapit na holiday season?

“A… maraming reunion with our relatives. And ‘yong bahay namin siyempre, iba na ang motif. Hindi tulad noon na Pasko lang. Ngayon may teddy bears. Siyempre may baby na, e. So… you have to cater to… kung ano na ang pamilya mo. Ang kulang na lang, e… kailangan naming gawing baby-friendly na ‘yong bahay. Kasi medyo… maraming hagdanan ‘yong bahay, e.”

Kumusta naman ‘yong magiging Pasko niya para sa mga anak niya sa ex-wife niyang si Michelle Van Eimereen?

“A… sa Australia ? Same. Same. I will be there January. I’ll be leaving Januray 2.  First week of January nasa Australia na ako.”

Excited na ba ang mga anak niya kay Michelle na makita ang kanilang baby brother na anak naman nila ni Regine?

“Siyempre. Siyempre. Pero next year pa siguro sila magkikita. I think we’ll see each other in another country next year. Magkikita-kita kami.

“Kasi 45 na ako next year. Wish ko naman na magkita-kita kami. ‘Yong kami na family lang. With my kids.

“Siyempre brother nila ‘yon, e. So I’d like them to be able to bond, you know. And, ah… siyempre gusto ko ring lumaki ‘yong bunso ko na may kinikilala siyang Ate. Di  ba?” sabi pa ni Ogie.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply